Taeng » Pasalip

Dalawang Timpalak ng KWF, Binuksan

18 February 2010 Awan pay naibaga

Tumatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino ng mga lahok para sa dalawang timpalak nito kaugnay ng taunang pagdiriwang ng “Araw ni Balagtas” tuwing ikalawa ng Abril.

Ang Una ay ang TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA-GANTIMPALANG ANTONIO LAPERAL TAMAYO na bukas sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at mga kaanak nito.

Sa taong ito, tanging ang mga lahok lamang na may sukat at tugma ang maaaring tanggapin ng lupon sa tula.

Ang pangalawa ay ang pambansang TIMPALAK SA PAGTATANGHAL NG DULA na La India Elegante y El Negrito Amante na sinulat ni Francisco ‘Balagtas’ Baltazar. Bahagi lamang ng piyesa nito ang itatanghal at ito ay makukuha sa KWF o dito i-click. Bukas ang timpalak sa mga guro sa elementary at sekundarya, publiko at pribado man.

Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok para sa dalawang timpalak ay sa Marso 12 at 15, 2010 ayon sa pagkakasunod. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal ng mga kalahok para sa timpalak sa tula at ng kinatawan ng grupo para sa pagtatanghal ng dula o ipadala sa pamamagitan ng koreo o courier sa :

Lupon sa Tula o Lupon sa Pagtatanghal ng Dula
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel Street
San Miguel, Manila

Bukas na rin ang nominasyon para sa taunang parangal na GAWAD FRANCISCO BALAGTAS. Para sa detalye nito o tumawag sa telepono bilang 7362525 local 105 at 7363832 para sa katanungan sa mga timpalak.

Naadaw iti http://www.kwf.gov.ph/


Mangibati iti kapanunotan!

Ania ti makunam, Kagumilan? Sakbayna, ag-login-ka tapno mailanad ti kapanunotam.